MANILA – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling nasa siyam na probinsya pa rin ang kanilang nasa Election Watchlist Area.Ito ay kasunod ng lumabas na ulat na nasa mahigit 400 at syudad na sa bansa ang tinukoy ng Commission on Elections (Comelec) bilang election hotspot areas.Sa interview ng RMN kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, ipinaliwanag niya ang kaibahan ng lumabas na bilang sa tala ng PNP at Comelec.Kasabay nito, nilinaw ni Mayor na sakaling madagdagan man ang bilang ng mga malalagay sa Election Watchlist Area ay handa silang magpadala ng dagdag-pwersa sa mga naturang lugar.Kabilang sa mga probinsyang tinututukan ng PNP ang Abra, Nueva Ecija, Lanao del Norte,Lanao del Sur, Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar at Maguindanao.Nabatid na ang ARMM ang siyang may pinakamaraming lugar na isinailalim sa hotspots areas, habang sa Luzon ang Bicol Region ang may pinakamaraming bilang ng mga lugar na nasa election watchlist areas.
Siyam Na Probinsya, Nanatili Sa Election Watchlist Areas Ng Philippine National Police (Pnp)
Facebook Comments