Task Force Canvassing 2016, Magmi-Meeting Sa Susunod Na Linggo

7

MANILA – Magmi-meeting ang Task Force Canvassing 2016 sa susunod na linggo, May 11, alas-2:00 ng hapon sa Nograles Hall, South Wing Annex, ng Batasan Complex, Quezon city.Ito ay bilang paghahanda ng mababang kapulungan ng kongreso para sa Presidential at Vice Presidential Canvassing na magsisimula sa May 23.Kabilang sa mga dadalo ay pinuno at miyembro ng House of Representatives Task Force Canvassing Committees on Security and Physical Arrangements, maging ang Senate Task Force at mga media na magko-cover.Kabilang sa mga tatalakayin ay ang problema sa sistema na gagamitin ng kamara sa canvassing.Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, ang mga makina na gagamitin ng kamara ay hindi kayang mag-generate ng city at provincial certificates of canvass at tanging regional lang na batayan ng proklamasyon ng pangulo at ikalawang pangulo.Nadiskubre ang problema na ito noong Lunes, kung kailan nauna nang nagpulong ang Smartmatic at ang Commission on Elections sa kamara hinggil sa gaganaping Canvassing of Votes.

Facebook Comments