Siyam na syudad sa Metro Manila at isang lalawigan ang sakop ng dalawang araw na water interruptions mula March 28 hanggang March 29.
Nag-abiso na ang Maynilad Water Services Inc., na kabilang sa mga maaapektuhan ay ang Quezon City, Maynila, Valenzuela City, Navotas City, Makati City, Las Piñas City, Parañaque City at Caloocan City.
Sa abiso ng Maynilad, sinabi nito na layon nito na mapreserba ang tubig mula sa mga dam na kanilang pinagkukunan ng suplay.
Ayon sa Maynilad, kailangan tipirin ang tubig sa mga dam dahil sa abiso ng PAGASA na magkakaroon ng El Nino ng hanggang katapusan ng taong ito.
Magtatagal din ang ganitong magbabawas sa suplay ng tubig sa lahat ng customers hangga’t walang sapat na mapagkukunan tulad ng mga water treatment facilities at mga water shed.
Sa ngayon, nakakaranas na umano ng mabilis na pagbaba ng level ng tubig ang Ipo Dam nitong mga nakaraang linggo.
Bawas din ang suplay ng tubig sa lalawigan ng Cavite kabilang ang mga syudad ng Bacoor, Imus, Kawit, Cavite at mga bayan ng Rosario at Noveleta.