PBBM, siniguro ang patuloy na pagsasakatuparan ng Bangsamoro Agreement

Itataguyod pa rin ng Marcos administration ang kapayapaan hindi lang para sa Bangsamoro kundi sa buong bansa.

Ito ang mensahe ng pangulo sa pagdiriwang ngayong araw ng ika-9 na anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Ayon kay Pangulong Marcos, nananatiling matatag ang kasunduan at malaki na ang naitulong nito sa pag-unlad ng Bangsamoro people.


Kaya naman siniguro ng pangulo na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay ipagpapatuloy ang pagsasakatuparan ng political at normalization tracks ng peace agreement.

Aniya, nanatiling katuwang ang BARMM sa pagtupad sa kanilang mga pangako, gaya na lamang ng pagpasa sa Bangsamoro Electoral Code.

Umaasa ang pangulo na darating ang panahon na mamumuhay ang mga susunod na henerasyon ng mapayapa, masagana at nagkakaisa.

Facebook Comments