Siyam Na Unit Ng Starlight Express Sinuspinde Ng Ltfrb

3

PAGADIAN – Siyam na unit ng Starlight Express Bus na may rutang Pagadian-Midsalip at Molave ang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) matapos masangkut ang isang unit nito sa aksidente na ikinamatay sa limang katao at ikinasugat sa 33 na pasahero.Sa interview ng RMN Pagadian kay LTFRB boardmember Atty. Ariel Inton Jr. 30 na araw ang pagkasuspinde sa nasabing Bus Company upang mabigyang daan ang imbestigasyon at pansamantalang hindi muna magagamit ang unit.Aniya, bago matapos ang 30 days na pagsuspinde ilalabas na ng LTFRB ang resulta ng kanilang imbestigasyon at kung makitaan ng pruweba na may pagkukulang ang operator posibleng makansila pa ang prangkesa nito.Iginiit naman ng Owener/manager ng Starlight Express na wala pa silang kopyang natanggap mula sa pamunuan ng LTFRB.

Facebook Comments