Manila, Philippines – Siyam ang patay matapos angpananalasa ng bagyong Crising sa Danao City at bayan ng Carmen sa Cebu City.
Sa interview ng RMN kay National Disaster Risk Reduction andManagement Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, sinabi nito nakaramihan sa mga namatay ay nagmula sa munisipalidad ng carmen habang isa angnamatay sa Danao City.
Maliban sa dalawang lugar na naapektuhan, binaha rin angilang bahagi ng Mandaue at Talisay City gayundin sa Palo at Tacloban, Leyte.
Samantala, aminado si Carmen Cebu Mayor Martin GerardVillamor na hindi nila napaghandaan ang pagbaha sa kanilang bayan dahil walasilang natanggap na abiso o babala sa dalang ulan ng bagyong Crising.
Ngayong araw, mag-iikot ang local government ng Carmen atDepartment of Public Works and Highways para tingnan ang mga landslide proneareas habang patuloy pang inaalam ang kabuuang danyos sa imprastraktura at mgapananim.
Siyam – patay sa pananalasa ng bagyong Crising nitong Semana Santa…Ilan bayan sa Cebu – apektado ng pagbaha
Facebook Comments