Nangangamba ang siyam sa bawat 10 Pilipino na madapuan sila ng COVID-19 o kanilang mga mahal sa buhay.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 91% ng mga Pilipino ang nag-aalalang magkakasakit sila o kanilang pamilya ng virus.
Mataas ito kumpara sa 85% noong September survey.
Nasa 3% ang maliit lamang ang pag-aalala, habang 5% ang hindi naman nababahalang tamaan ng sakit.
Marami ang nag-aalala sa Visayas (96%), kasunod ang Mindanao (95%), Balance Luzon (89%) at Metro Manila (85%).
Ang survey ay isinagawa mula November 21 hanggang 25, 2020 sa 1,500 adult respondents.
Facebook Comments