Davao – Siyam na sundalo ang sugatan at isa ang napatay matapos makibakbakan sa rebeldeng NPA sa Barangay Dominga, Calinan siyudad ng Davao noong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon kay Army Captain Alenel Valles, Civil Military Operations Officer ng 3rd Infantry Battalion (IB) Philippine Army, habang nagsasagawa ng clearing operation ang militar -nakasagupa nila ang grupo ng mga rebelde sa pangunguna ni Commander Banakon ng pulang Nagani Command or PVC 1 New People’s Army o NPA.
Sa nasabing engkwentro, siyam na sundalo ang sugatan samantala isa ang namatay at pinaniniwalaan din na may sugatan at namatay sa panig ng mga rebelde.
Ang mga sundalong sugatan ay pansamantalang ginagamot ngayon sa Camp Panacan na military hospital, Panacan siyudad ng Davao.
DZXL558