Siyamnaput’ dalawang empleyado ng pamahalaan, siniba k ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian

Manila, Philippines – Wala pang isang taon sa pwesto,  aabot na sa siyamnaput’ dalawang (92) empleyado ng pamahalaan ang nasibak ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
 
Ito ang inilahad ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa kaamulan festival sa Bukidnon nitong weekend.
 
Dito muli iginiit ng pangulo ang kampanya kontra korapsyon ng administrasyon.
 
 
Ayon sa pangulo, karamihan sa mga inalis sa pwesto ay mula sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
 
Anya, hindi na siya gumawa ng ingay dahil ayaw niyang ipahiya ang mga ito.
 
Samantala, muling nagsorry ang pangulo sa mga mahihirap na napapatay sa kampanya kontra droga ng gobyerno.
 
Sabi ng pangulo, wala siyang magagawa kung mahihirap ang nasasagasaan sa mga operasyon kontra droga.
 
Giit pa nito, handa siyang makulong kung mapapatunayan na may anomalya sa drug war ng gobyerno.
 

Facebook Comments