SK Federation sa Cauayan City, Hinimok ang mga Kabataan para Maiwasan ang Teenage Pregnancy

*Cauayan City, Isabela*- Iginiit ni SK Federation President Charlene Joy Quintos ng Cauayan City na matagal ng may nakalaang aktibidad para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng Teenage Pregnancy sa lungsod na isang problema sa bansa.

Kasabay ito ng ginawang pagkalampag sa mga Sangguniang Kabataan Members ng Commission on Population Region 2 dahil sa nagiging sentro umano ang pagdadaos ng basketball sa bawat barangay.

Ayon kay SK Federation Pres. Quintos, matagal ng nasimulan ang nasabing programa para sa mga teenage mother sa lungsod gaya ng Teenage Pregnancy Seminar sa mga paaralan maging ang adbokasiya para maiwasan ang sakit na Human Immuno Deficiency Virus (HIV).


Sa kabila nito, may mga ordinansa na ring umiiral sa lungsod para sa mga Solo Parent upang magabayan ang mga ito sa pagpapalaki ng kanilang mga anak sa kabila ng kawalan ng katuwang sa buhay.

Kasama rin ang mga ito sa libreng edukasyon kahit na sila ay buntis.

Sa ngayon ay magpapatuloy ang pagbibigay ng impormasyon sa mga pangunahing paaralan sa buong lungsod katuwang ang NGOs na Junior Chamber International (JCI) at mga kandidata ng Mutya ng Cauayan 2020.

Hinikayat naman ni Quintos ang lahat ng mga kabataan na mangyaring makibahagi sa mga pagpupulong na inoorganisa ng SK Chairperson sa mga barangay.

Facebook Comments