SK NIGHT SA ISANG BARANGAY SA BOLINAO, NAUWI SA PANANAKSAK

Nauwi sa malagim na insidente ang SK night celebration sa Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan matapos umanong saksakin ng isang 22-anyos na lalaki ang 30-anyos biktima sa gitna ng mainit na alitan noong Abril 7, 2026.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, parehong nasa impluwensya ng alak ang dalawa nang mag-umpisa ang gulo matapos umanong bastusin ng biktima ang babaeng kasama ng suspek.

Nagresulta ito sa isang suntukan kung saan sinubukan umano ng biktima na gumamit ng armas ngunit nakakuha ang suspek ng bote ng alak at pinalo sa ulo ang biktima.

Gamit ang basag na bote, sinaksak pa ang biktima sa likod, na nagdulot ng malubhang sugat.

Agad namang nadakip ng mga pulis ang suspek at dinala sa Bolinao Police Station para sa karampatang proseso matapos isinugod sa ospital para sa agarang lunas.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa publiko laban sa labis na pag-inom ng alak at panganib na dulot ng gulo sa pampublikong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments