SK Officials, Katuwang sa Pagrehistro ng Pamilya sa Monitoring System ng LGU Cauayan

*Cauayan City, Isabela*- Inatasan ni City Mayor Bernard Dy ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa Lungsod ng Cauayan na siyang mangangasiwa sa kani-kanilang barangay sa mga pamilyang magpapatala sa ilalim ng Relief Assistance Monitoring System (RAMS).

Ayon kay SK Federation President Charlene Joy Quintos, plano nilang gawin ay ang pagkuha ng mga personal na impormasyon ng bawat pamilya sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message at kanila itong ireregister online upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng nasabing sakit.

Aminado rin si Quintos na hindi lahat ng pamilya o indibidwal ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya kung kaya’t handa ang kanilang hanay sa pagtugon upang masigurong lahat ng pamilya sa lungsod ay mapapabilang sa nasabing monitoring system.


Bago ito, magpepresenta ng video presentation ang SK officials sa bawat barangay na siyang magiging gabay ng bawat upang mas mapadali ang pagrerehistro ng bawat pamilya.

Sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang pagtukoy sa mga pamilyang nabigyan ng ayuda o hindi gaya ng bigas, relief goods maging cash.

Samantala, patuloy naman ang pag-iikot ng mga SK Officials sa mga malalayong barangay na hindi kayang makapunta sa pamilihang panlungsod bunsod na rin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments