“Mula sa inyong buwis”, namahagi ng school supplies ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tambac, sa pangunguna ni SK Chairwoman Jaira Dueñas, sa mga mag-aaral ng Tambac Elementary School.
Ayon sa SK, naglaan sila ng ₱80,000 na pondo na target sanang makagawa ng 300 set ng school supplies. Sa kasalukuyan, 250 set ang naipamahagi at tiniyak na matatanggap ng mga hindi pa nabigyan ang natitirang bahagi sa mga susunod na araw.
Bilang bahagi ng full transparency, iniulat ng SK ang eksaktong halaga ng pondo, bilang ng naipamahaging set, at dahilan ng pagkukulang sa target.
Ipinaalala rin nila na ang lahat ng proyekto ay nagmumula sa buwis ng taumbayan, kaya’t nararapat lamang na malinaw at bukas sa publiko ang bawat detalye.
Layunin ng proyekto na hindi lamang makatulong sa pag-aaral ng kabataan kundi ipakita rin ang malinaw at tapat na paggamit ng pondo ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









