SKATEBOARDING COMPETITION, TAMPOK SA BINALONAN FESTIVAL 2025

Ipinamalas ng mga skateboard enthusiasts ang kanilang husay at talento sa 10th Annual Skateboarding Competition na matagumpay na isinagawa bilang bahagi ng Binalonan Festival 2025.

Ang kompetisyon ay inorganisa ng Binalonan Skate Kru at dinaluhan ng mga mahuhusay na skater mula sa iba’t ibang lugar.

Sa harap ng masiglang hiyawan ng mga manonood, walang takot na nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa iba’t ibang exhibition tricks at balanse sa kanilang mga skateboard.

Madalas nagsasanay ang mga kalahok sa mga plaza o bakanteng lote upang mapabuti ang kanilang husay.

Gayunpaman, nananatili ang hamon ng kawalan ng sapat na skating facility sa lugar. Dahil kabilang na ang skateboarding sa international competitions tulad ng Olympics, isang panawagan ang isinulong para sa pagtatayo ng maayos na skate park sa bayan upang higit pang mahubog ang mga kabataang mahilig sa isport na ito.

Sa patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan at iba pang organisasyon, inaasahang lalo pang sisigla ang kultura ng skateboarding sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments