Skeletal force, pinaiiral ngayong araw sa DOJ

Tiniyak ng Dept of Justice na may mga piskal  na naka-duty ngayong araw sa DOJ.

 

Ayon kay Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ang mga naka-duty na piskal ang siyang tatanggap ng reklamo laban sa mga manggugulo sa mga rally

 

Sinabi pa ni Fadullon na bukod sa itinalaga niyang officer-in-charge, lahat aniya sila ay naka-standby


 

Una nang nagbabala si NCRPO Chief  Guillermo Eleazar na mapipilitan silang arestuhin ang sinomang raliyista na magpapasimuno sa tensyon ngayong araw sa mga labor day rallies.

Facebook Comments