SKILLS TRAINING | TESDA may paanyaya sa mga tambay

Manila, Philippines – Inanyayahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga tambay na magtungo sa pinakamalapit na TESDA office upang makapag-avail ng libreng skills training.

Ayon sa TESDA kailangan lamang na magtungo sa pinakamalapit nilang accredited training centers, magtanong kung ano ang mga bukas na kurso na kanilang inaalok at mag-aplay ng libreng training.

May tatlong pamamaraan upang mag-aplay ng scholarship programs ng ahensya, ito ay sa pamamagitan ng Walk-In Scholarship Application, On-Line Scholarship Application at Barangay-based Scholarship Application.


Ang TESDA ay mayroong mahigit 200 qualifications o promulgated training programs na maaaring pagpipilian mula sa iba’t-ibang industry sector tulad ng kontruksiyon, automotive and land transportation, agrikultura, information and communication technology, tourism and restaurant, processed food & beverages, garments, metals and engineering, health social and community services at marami pang iba.

Ang paanyaya ng TESDA ay bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa mga nagkalat na tambay na naghahasik ng kaguhuluhan at nag-iinuman lamang sa lansangan.

Facebook Comments