Maaari nang dumaan ang lahat ng sasakyan sa 18-kilometer Skyway Stage 3 Elevated Expressway simula sa Biyernes, Enero 15.
Ayon sa San Miguel Corporation (SMC), isinara ang buong expressway alas-10:00 kagabi at ngayong araw para magsagawa ng full inspection, set-up, at staging para sa opisyal na pagbubukas nito bukas, alas-5:00 ng umaga.
Inaasahang magiging 30 minuto na lamang ang biyahe ang mga sasakyang galing ng North Luzon Expressway (NLEX) patungong South Luzon Expressway (SLEX) at vice-versa.
Makakatulong din ito na mapaluwag ang trapiko sa EDSA at ilang bahagi ng Metro Manila.
Bukod dito, libre pa rin ang toll hanggang February 1.
Ang Skyway 3 ay may entry at exit ramps sa Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, E. Rodriguez, Quezon Avenue, Sergeant Rivera at Balintawak.