Posibleng maantala ng tatlong buwan sa itinakdang pagbubukas nito ang Skyway Stage 3 project.
Kasunod na rin ito nang nangyaring malaking sunog sa isang warehouse ng plastik sa Pandacan, Maynila kung saan nadamay at bumagsak ang ginagawang bahagi ng Skyway Stage 3.
Sa programang usapang transportasyon ng dzxl-rmn manila, kinumpirma ni Department of Transportation – Technical Working Group (DOTR-TWG) Consultant Assistant Secretary Alberto “Bert” Suansing na isa rin sa anchored ng nasabing programa, na dahil sa nangyari, kailangang umorder muli ng mga panibagong bakal sa abroad na ipapalit sa bahaging nasunog.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang halaga ng napinsala na bahagi ng Skyway Stage 3 project.