Slogan ng turismo, i-recalibrate o ibalik na lang sa dati – Sen. JV Ejercito

Pinayuhan ni Senator JV Ejercito ang Department of Tourism (DOT) na i-recalibrate o kaya ay ibalik sa dati ang tourism slogan ng bansa.

Ayon kay Ejercito, batid niya na mahirap magrebrand at nangangailangan ng panahon para magkaroon ng recall ang isang slogan.

Pero, sa simula pa lamang ay masama na ang naging simula ng bagong “Love the Philippines” campaign slogan kaya mainam na pagisipan ng ahensya kung dapat pa bang ituloy, baguhin o ibalik na lang ang lumang slogan.


Sinabi pa ni Ejercito na dahil sa slogan fiasco ay mahirap na ibalik ang momentum ng “Love the Philippines” mula nang ito’y inilunsad o ipinakilala sa buong bansa.

Kung si Ejercito ang tatanungin, mas praktikal kung gagamitin na lang ulit ang “It’s More Fun in the Philippines” dahil ito naman ay matagal nang brand ng bansa at hindi na rin gagastos ng sobra rito ang pamahalaan.

Ipinauubaya naman ng mambabatas kay Tourism Secretary Christina Frasco ang desisyon patungkol sa slogan kasabay ng apela rin nito sa publiko na huwag agad husgahan at bigyan pa ng pagkakataon ang Kalihim dahil naging proactive at innovative naman ito sa pagtugon sa problema.

Facebook Comments