SM Cinema nag-react sa reklamong natatanggap ukol sa “No Outside Food Policy”

Image via Facebook/John Winkle Wong

Naglabas ng pahayag ang SM Cinema matapos makatanggap ng reklamo mula sa publiko tungkol sa kanilang bagong polisya.

Ipinagbabawal ng pamunuan na magdala ang mga customers ng sumusunod:

  1. Rice and pasta meals
  2. Bottled/canned/glassed drinks
  3. Food items with sauces (i.e. vinegar, fish sauce, soy sauce)
  4. Food on stick

Ineengayo ng SM Cinema bumili ng pagkain at inumin ang mga moviegoers sa kanilang Snack Time stall.

Kamakailan, binatikos ng isang netizen ang “No Outside Food Policy” ng sinehan. Aniya, maraming customer ang hindi pinapasok dahil sa mga biniling pagkain.

Ilan sa kanila, humingi nalang ng refund ngunit movie voucher ang ibinigay ng mga staff.

Kaya naman ang ilang social media users, gustong iboycott ang SM Cinema. Sa ngayon, mahigit 109,000 likes at 62,000 shares ang post ng concerned citizen.

 

 

 

 

Facebook Comments