Cauayan City- Masayang nakiisa ang SM City Cauayan sa paggunita sa araw ng kalayaan dakong alas otso y media kanina, Hunyo 12, 2018.
Ang naturang pagdiriwang ay linahukan naman ng lahat ng mga sanguniang panglungsod ng Cauayan, mga opisyal ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at ng Arm Forces of the Philippines maging mga manggagawa sa naturang mall at iba pang opisyal ng LGU Cauayan.
Bilang bahagi sa paggunita sa ika isang daan at dalawampung araw ng kalayaan, masayang ipinakita ng SM City Cauayan sa publiko ang kanilang inihanda na mga kamanghamanghang sining na naglalarawan sa yaman ng tradisyon, kultura at ng kasaysayan ng bansa.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Mall Manager Shiela Marie Estabillo, sinabi nito na pangunahin umanong layunin ng naturang mall sa pakikipagkaisa sa araw ng kalayaan ay upang ipakita ang pagkakaisa ng mga pilipino, sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t-ibang kultura at paniniwala dahil pinagbuklod buklod parin umano tayo ng iisang diwa at ng dugong Pilipino.
Dagdag pa niya, ito umano ay isa din sa pinaka magandang paraan upang ipaalala sa mga kabataan ang naging tagumpay ng ating mga bayani sa pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.
Samantala, nakatakda namang magkaroon ng fireworks display ngayong gabi bilang bahagi parin ng paggunita sa araw ng kalayaan at magkakaroon din ng pitumpung porsyentong diskwento para sa lahat na mamimili ngayong araw.