SM City Cauayan, Patuloy sa Pamamahagi ng Relief Goods sa mga Nasalanta ng Bagyong Ompong!

Cauayan City- Patuloy parin ang ginagawang pamamahagi ng SM City Cauayan ng mga relief goods bilang tulong sa mga naging biktima ng bagyong Ompong.

Kanina ay nag-umpisa nang mag-ikot at mamahagi ng tulong sa iba’t-ibang barangay dito sa Cauayan City ang naturang mall katuwang ang DSWD at CCDRRMO.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Shiela Marie Estabillo ang Mall Manager ng SM City Cauayan ay sinabi nito na nasa 3000 relief packs umano ang kanilang ipinamigay sa mga barangay dito sa lungsod at maging sa iba pang mga bayan.


Kabilang sa mga nabigyan mula sa Cauayan City ay ang mga Barangay gaya ng District 1, Sillawit, Gappal, Buwena Swerte, Villa Luna at Villa Concepcion.

Samantala, nakatakda din umano silang mamahagi pa ng relief goods sa lungsod ng Ilagan at iba pang mga bayan na dito sa lalawigan ng Isabela kung matapos nilang ikutan ang mga target na barangay dito lungsod.

Sa ngayon ay hinihikayat din ni Estabillo ang mga nais makibahagi at tumulong sa kanilang programang Operation Tulong Express kung saan ay maaaring mag donate ng mga damit na hindi na ginagamit at iba pang mga bagay na maaaring makatutulong sa mga nasalanta ng Bagyo.

Facebook Comments