SM Foundation, Nagkaloob ng ICU-grade ventilators sa 3 Hospital sa Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay ngayong araw ng SM Foundation ang 3 units ng ICU-grade ventilator sa piling ospital sa Cagayan Valley katuwang si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sec. Bello na una na niyang hiniling sa SM foundation ang pagkakaroon ng Personal Protective Equipment (PPEs) para magamit ng frontliners na nasa mga ospital sa lalawigan ng Isabela.

 

Kasabay nito, ipinamahagi naman ng kalihim ang tulong pinansyal sa ilalim ng ‘negosyo starter package’ sa piling 20 OFWs sa probinsya na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa.


 

Personal naman na tinanggap ng mga pinuno ng ospital gaya ni Dr. Glenn Matthew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), Dr. Nelson Paguirigan ng GFNDY Memorial hospital at Dr. Emmanuel Salamanca ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang nasabing mga kagamitan.

 

Ayon naman kay Mall Manager Sheila Estabillo ng SM City Cauayan, kasagsagan ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng magkaloon ang SM Foundation ng karton-kartong medical supplies at PPEs sa ilang ospital sa rehiyon.

 

Facebook Comments