Cauayan City, Isabela- Sa hinaharap na krisis na sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19), ang kapakanan ng mga empleyado ay pangunahing layunin ng SM.
Sa ibinahaging impormasyon ni Ms. Krystal Gayle Agbulig, public relations manager ng SM City Cauayan sa 98.5 iFM Cauayan, makakatanggap ng karampatang sahod ang lahat ng mga empleyado ng SM sa panahon ng Enhanced Community Quarantine mula March 17 hanggang April 12, 2020.
Hindi rin mababawasan ang kanilang Vacation at Sick Leaves.
Bibigyan din ng karampatang premium pay ang mga Rank and File hanggang Department Managers na patuloy na nagtatrabaho sa mga bukas na tindahan sa lugar na apektado ng quarantine at maging sa mga bumubuo ng skeletal force na mahalaga o “crucial” sa pagpapatakbo ng negosyo.
Bukod dito, nagbigay rin ng tulong ang SM sa mga kawani ng mga kumpanyang patuloy na nagseserbisyo sa kumpanya gaya ng mga security guards at janitors at may pahatid tulong din sa mga promodizers.
Ang SM Group ay nag-allocate din ng P100M tulong para sa protective equipment, testing kits, disinfectant, para sa mga health workers.