SMALL TOWN LOTTERY | Mas maraming trabaho, malilikha sa pagpapalawak ng STL operations

Manila, Philippines – Itinutulak muli ni House Minority Leader Danilo Suarez ang mga panukalang inihain sa Mababang Kapulungan na magpapalawak sa operasyon ng Small Town Lottery sa bansa.

Inaasahang lilikha ng maraming trabaho ang pagpapalawak pa sa operation ng STL sa buong bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts at Games and Amusements hinggil sa kasalukuyang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office, binigyang-diin ni Suarez na nasa 600,000 manggagawa ang makikinabang sakaling maisabatas ang implementasyon ng transparent at patas na STL.


Makatutulong aniya ito para sa marginal workers o yung mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral na hirap sa educational requirements.

Paliwanag ni Suarez, ang mahalaga lang naman sa STL ay marunong magsulat ng numero at mag-addition at subtraction kaya hindi kailangang nakatapos ng high school ang isang manggagawa.

Napag-alaman rin sa joint hearing na wala palang prangkisa ang PCSO para mag-operate ng STL kaya ilegal na maituturing ito sa ngayon.

Gayunman, layon pa rin nilang isalegal ito tulad ng sweepstakes o big lotto draw na nasa ilalim ng executive order.

Facebook Comments