MANILA – Kinakailangang ipaliwanag ng Smartmatic kung bakit hindi nasunod ang protocol nang may kinailangang baguhin sa script o command sa datos na pumapasok sa transparency server.Sa pressconference sa PICC– sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, kahit pa totoo ang katwiran ng Smartmatic na wala namang epekto sa bilang ng boto o resulta ng halalan ang ginawang pagbabago sa script, ay dapat pa din aniyang nasunod ang tamang proseso nang ito ay gawin.Kabilang aniya dito ang pagsulat sa log book sa command center ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at pagpapaalam sa Comelec Project Management Office na may kinakailangang baguhin.Bunsod nito, inirekomenda ni Guanzon ang paghahain ng formal investigation sa nasabing usapin.
Smartmatic, Pinagpapaliwanag Sa Hindi Nasunod Na Protocol.
Facebook Comments