Smartphone app na maaring malaman kung may ear infection ang bata, dinevelop sa US

Image via Dennis Wise/University of Washington

Ear infections ang kadalasan dahilan ng magulang para dalhin ang kanilang anak sa Pediatrician ayon sa National Institutes of Health.

Ang ganitong kondisyon ay tinatawag na otitis media. Ito ay nangyayari kapag naimpeksyon at nagsimulang magkaroon ng fluid sa middle ear sa likod ng eardrum. Masakit at maaaring mahirapan makarinig ang bata lalo na kung nagsisimula pa lang siya magsalita.

Lumikha ang mga mananaliksik sa University of Washington ng smartphone app na pwedeng umalam kung may fluid sa likod ng eardrum ng bata. Kailangan gumamit ng magulang ng paper funnel, smartphone’s microphone at speaker.


Lilikha ang smartphone app ng serye ng soft audible chirps sa tainga gamit ang maliit na paper funnel. Ipapakita naman kung paano ang magre-reflect ang chirps pabalik ng smartphone, habang aalamin naman ng app kung may fluid sa loob ng tainga ng bata.

“Designing an accurate screening tool on something as ubiquitous as a smartphone can be game changing for parents as well as health care providers in resource limited regions. A key advantage of our technology is that it does not require any additional hardware other than a piece of paper and a software app running on the smartphone.”pahayag ni Shyam Gollakota, co-author at associate professor sa UW’s Paul G. Allen School of Computer Science & Engineering.

Sa oras na malaman kung may ear infections, madali na itong magagamot.

Facebook Comments