SMB, target na talunin ang Columbian Dyip

Manila, Philippines – Target ng San Miguel Beermen na matalo ang Colombian Dyip sa PBA Philippine Cup.

Maghaharap ang Beermen at Colombian Dyip mamayang alas-4:30 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kakapit ang Beermen sa kay Terrence Romeo, five-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Christian Standhardinger.


Idinagdag din ng Beermen sina Paul Zamar at ve­teran guard Ronald Tubid.

Ibabandera naman ng Dyip ang kanilang no. 1 overall pick CJ Perez.

Facebook Comments