Kahit umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), nakapagbayad na ang San Miguel Corporation ng buwis nito para sa buwan ng Abril.
Ito ang masayang ibinalita ni Ramon Ang, Chairman ng San Miguel Corporation, kasunod ng pagtitiyak na may nakalaang pondo ang kompanya para sa iba pang gastusin.
Umaabot sa ₱8.77 billion mula sa ₱11 billion nilang pondo ang naibayad ng kompanya para sa buwan ng Abril habang ang natitira ay nailaan na rin daw na dagdag pambayad bago matapos ang ECQ.
Paliwanag pa ni Ang, na nailaan na rin daw na pondo ang kanyang kompanya para paswelduhin ang kanilang mga permanente, contractual at concession employees hanggang sa Extended ECQ sa Mayo a-15.
Umaabot sa ₱3 billion ang pinampasweldo ng kompanya para sa mahigit 66,000 na mga empleyado nito sa buong bansa.
Kasabay nito, nagbigay ng kanyang kasiguruhan si Ang na mayroong buffer stocks ng process food ang San Miguel Corporation na isusuplay sa merkado sa loob ng anim na buwan.