Smile Policy ipapatupad sa Makabagong Maguindanao

Hinihikayat ngayon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang lahat ng kawani ng Provincial Government na ugaliing ngumiti lalo na kapag maghahatid ng serbisyo sa mga mamayan ng lalawigan.
Mas nakakagaan aniya ng pakiramdam hindi lamang para sa mga empleyado kundi maging sa mga residenteng magpoproseso ng anumang dokumento o serbisyo sa PGO kapag nakangiti ang isang kawani ayon pa kay Governor Bai Mariam.
Bagaman maituturing na napakasimpleng direktiba , isa na rin aniya itong pagpapakita ng pagiging sinsero sa sinumpaang tungkulin na makapaghatid na maayos na serbisyo sa taumbayan dagdag pa ni Governor Bai Mariam.
Inihayag ito ng Gobernadora ,kasabay ng isinagawang kauna unahang State of the Province Address sa kapitolyo sa Shariff Aguak.
Panahon na aniya na ipadama sa mga taga probinsya ang Bagong Maguindanao giit pa ni Bai Mariam.

Facebook Comments