SCPO, Nominado sa National Best City Police Office 2019!

*Santiago City- *Malaki umano ang tiyansa na masungkit ng Santiago City Police Office (SCPO) ang Best City Police Office sa buong bansa matapos ang isinagawang evaluation team mula sa Camp Crame.

Makakatunggali ng SCPO ang Angelis City at Zamboanga City bilang Best City Police Office sa Independent City category.

Pinangunahan ni P/BGen.Alex Botes Sintin, Executive Officer ng DICTM ng PNP mula sa Kampo Krame ang naturang ebalwasyon at balidasyon sa criminal, insurgency, traffic situation at pagdidisiplina sa sarili maging sa pakikitungo sa mga mamayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/LtCol. Rajan Azor Romero, OIC ng SCPO, ilang beses na rin nakuha at nasungkit ang parangal na Best City Police Office ang Lungsod ng Santiago at taon-taon ay ibat-ibang siyudad ang kanilang nakakatunggali.

Inaasahan naman ng SCPO na muling masungkit ang Best City Police Office ngayong taon dahil umano sa magandang ipinamamalas ng kanilang hanay at suporta ng pamahalaang panlungsod maging sa kooperasyon ng mga Santiagueños.

Igagawad ang naturang parangal sa araw mismo ng 118th Police Service Anniversay sa Camp Crame.

Facebook Comments