Nagpasya ang House Committee on Legislative Franchises na palayain na mula sa pagkaditine sa Batasan Complex sina SMNI anchors Jeffrey Celis at Lorraine Badoy-Partosa.
Ayon kay Committee Chairman Parañaque 2nd District Rep. Gus Tambunting, nagkasundo ang mga miyembro ng komite na palayain sina Celiz at Badoy ngayong Kapaskuhan for humanitarian reason.
Sabi ni Tambunting, na-realize naman nina Celiz at Badoy ang kanilang pagkukulang at sila ay humingi ng paumanhin.
Nilinaw naman ni Tambunting na ang pagpapalaya kina Celiz at Badoy ay walang kinalaman sa inihain nilang petition of writ of habeas corpus sa Supreme Court.
Facebook Comments