December 26, 2023 idineklarang non-special working day ng Malacañang

Walang pasok sa December 26, 2023 sa buong bansa.

Ito ay matapos aprubahang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Proclamation No. 425 na nagdedeklarang special non-working holiday ang December 26, 2023.

Batay sa proclamation inaprobahan walang pasok ang December 26 araw ng Martes upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na magdiwang ng holiday kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.


Una nang ideneklarang regular holiday ang December 25 araw ng Lunes dahil sa pag-obserba ng Christmas Day sa buong bansa.

Kaya naman long weekend mula December 23 araw ng Sabado hanggang December 26 araw ng Martes.

Inutos naman ng pangulo sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-isyu ng circular para sa pagpapatupad nito para sa mga nasa pribadong sektor.

Ang Proclamation 425 ay pinirmahan ni Pangulong Marcos ngayong araw December 12, 2023.

Facebook Comments