Manila, Philippines – Nakabuo na ng Smoke Free Task Force ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Alinsunod ito sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bumuo ng task force na tututok sa pagpapatupad ng smoking ban.
Binubuo ito ng mga tauhan ng Manila Police District, kawani ng barangay at DSWD.
Pero ayon kay Manila City Administrator Eric Alcovendaz – hindi pa sila nanghuhuli ng mga violator dahil pinaplantsa pa nila ang ordinansa hinggil dito.
Plano aniya ng lungsod na i-adapt ang polisiya sa Mandaluyong City kung saan ti-tiketan ang mga violator at bibigyan ng limang araw para makapagbayad ng multa.
Sa ngayon, pinaghahandaan nila ang pagsasagawa ng one time big time operation laban sa mga lalabag sa smoking ban.
Facebook Comments