Smoking ban, walang epekto sa Pagadian City

Pagadian City – Walang epekto ang “smoking ban” o Executive Order 26 sa Pagadian City.

Inamin ni City Councilor Cheryl Lee, chairman ng Committee on Health, na hindi pa ito naipapatupad ng lungsod.

Sa ngayon, iminungkahi ni Lee sa konseho ang pagbuo ng isang task force upang mapatupad ang nasabing batas.


Kasabay nito, binanggit ng konsehal na ngayong araw nakatakdang magkakaroon sila ng diskusyon kasama ang ilang mga negosyante na gaganapin sa Executive Function hall.

Kung matatandaan, ipinatupad ang “smoking ban” sa lahat ng pampublikong lugar sa buong Pilipinas noong Hulyo 23.

Sa kasaluyukan talamak parin ang nagyoyosi sa mga kalsada at maging sa mga pampublikong merkado nitong siyudad.

Facebook Comments