Relief packs hatid ng Globe Telecom sa mga residente ng Kananga, Leyte at Ormoc City

Manila, Philippines – Halos isang buwan mula ng yanigin ng lindol, hindi pa rin nakakabawi ang mga residente ng Kananga, Leyte at Ormoc City.

Malaking tulong sa kanila ang mga tulong na dumarating mula sa gobyerno at mga pribadong grupo.

Tulad na lamang ng nasa apat na raang relief packs na hatid ng globe telecoms.


Partikular na nabigyan ng tulong ang mga taga- barangay Cabaon-An; barangay Claretian at barangay Milagro.

Una rito, nagbigay din ng libreng tawag at libreng charging stations ang globe sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments