Smuggled agricultural products mula China, nasabat

Iprinisenta sa media ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila ang 16 na container van na naglalamas ng mga mis-declared products na galing China.

Ang nasabing kargamento ay unang idineklarang mga fishball kung saan naka-consigned ito sa Shinerise Trading Service at ang customs broker na si Johnna Philipian Aceveda ang nag-process nito.

Ayon kay Port of Manila District Collector Arsenia Ilagan, August 8, 2019 nang dumating ang kargamento kung saan idineklara ang duties at taxes nito ng mahigit sa P2. 5 million.


Pero nang suriin nila ang karga nito ay dito na nakita na nanglalaman ito ng sibuyas na nasa siyam na container van, carrots na nakalagay sa apat na container van, patatas na nasa dalawang container at isang container van ng broccoli.

Sa ngayon, nasa pangangalaga muna ito ng Bureau of Customs-Port of Manila habang patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon.

Facebook Comments