Nakumpiska ng mga elemento ng 1401st RMFC ang 50 karton ng suspected smuggled cigarettes o sigarilyo sa isinagawang checkpoint operation sa Tapayan Detachment sa Sultan Mastura mag aalas sais noong byernes gabi.
Sa report mula sa PNP ARMM na ipinarating sa DXMY, nauna na silang nakatanggap ng intel report na isang truck na lulan ng dried fish o bulad ang inaasahang daraan sa kanilang area mula Pagadian.
Matapos na maharang ang MASDA TRUCK na lulan ng “BULAD” agad nila itong sinuri at dun bumulaga ang mga karton ng sigarilyo na itinago sa ilalim ng mga Bulad. Sinasabing walang mga kaukulang permit ang mga naharang na mga sigarilyo.
Tinatayang nagkakahalaga ng isang milyong peso ang mga nasabat na smuggled cigarattes.
Arestado naman ang mga sakay ng truck na kinilalang sina Laguiab Abdulkader Sulaiman, 34 anyos, Salaman Tautin, 47 at Adam Guiamaluden 39, kapwa mga residente ng Datu Piang sa Maguindanao.
Agad na itinurn over sa tanggapan ng CIDG ARMM ang mga nasabat at ang tatlong indibidwal.