Muling nakasabat ng Bureau of Customs (BOC) ng mga smuggled na mga sibuyas na nagmula pa ng China.
Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port o CIIS-MICP Chief Alvin Enciso, kahapon ay karagdagang dalawang shipments na 2-footer containers ang kanilang sinuri.
Dito na nila nakita ang mga smuggled na puting sibuyas na nasa P44 million ang halaga.
Sinabi pa ni Enciso, na magsasampa sila ng kaukalang smuggling, criminal at iba pang kaso laban sa mga sangkot sa pagpupuslit ng mga nasabing sibuyas.
Noong January 10, 2023 ay una nang nakasabat ang BOC ng P153 million na halaga ng mga pula at puting sibuyas na nagmula rin sa China kung saan una itong idineklarang fishballs at naka-consign sa Seaster Consumer Goods.
Dagdag pa ni Enciso, mayroon pang shipments na bubuksan at susuriin ng BOC kaya inaasahan nilang madadagdagan pa ang kanilang masasabat.
Bukod dito, walang tigil ang BOC sa trabaho para masiguro na hindi na uubra ang anumang uri ng smuggling partikular sa mga agricultural product.