Mga koronel at heneral ng PNP na naghain na ng courtesy resignation, umabot na sa 95%

Tumugon na sa panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang 95% o 904 na mga koronel at heneral na maghain ng kanilang courtesy resignation.

Ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 954 na mga colonel at general ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DILG Secretary Abalos, nasa 50 pa ang hinihintay nilang magsumite ng kanilang courtesy resignation hanggang Jan 31, 2023.


Aniya, sasalang sa vetting process ng 5-man committee ang courtesy resignation ng mga opisyal para magkaalaman kung sino talaga ang malinis sa hanay ng kapulisan at kung sino-sino ang mga tiwali o dawit sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments