SMUGGLED SUGAR | Mga asukal na naharang sa Port of Manila, isusubasta ng BOC

Manila, Philippines – Inaanyayahan ng Bureau of Customs ang mga interesadong indibidwal na magtungo sa Auction Hall ng Port of Manila sa darating na ika-30 ng Agosto para sa isasagawang public viewing ng mga asukal na io-auction naman sa August 31.

Inaasahan na aabot sa 52.2 million pesos ang estimated revenue na kikitain sa isasagawang public auction.

Ayon sa Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) ng Port of Manila, nakatakdang i-subasta ang isang high fructose corn syrup na mayroong floor price na 1.18 million pesos, at tatlong refined sugar na mayroong floor price na 51 million pesos.


Matatandaan na ang mga isu-subastang asukal na ito ay una nang inabanduna sa Port of Manila at kinalauna’y napagalaman na, sinubukang ipuslit papasok ng bansa, at misdeclared.

Ang (10) 20-footer containers ng high fructose corn syrup na ito ipapadala sana sa Chymist Trading habang ang (60) 20-footer containers na naglalaman ng sako ng refined sugar ay ipapadalada naman sa Red Star Rising Corp. Both.

Sa kasalukuyan, ang mga opisyal ng Red Star Rising Corp. ay nasampahan ng mga kaukulang kaso.

Facebook Comments