Smuggling at mga matitigas na ulong traders, dahilan ng pagkalat ng ASF

Isinisisi ng Department of Agriculture (DA) sa mga pasaway na traders at smuggling ang pagkalat ng African swine fever o ASF sa bansa.

Sa ngayon, umabot na sa 11 lalawigan at siyudad sa bansa ang natamaan ng ASF simula noong Agosto, kabilang na rito ang Davao Occidental kung saan nasa higit 3,000 baboy na ang pinatay.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – kumakalat din ang ASF dahil sa mga nag-uuwi ng baboy bilang pasalubong.


Bukod dito, marami pa rin ang nagkukubli o nagtatago ng kanilang mga alagang baboy na posibleng tinamaan ng ASF.

Tiniyak naman ng kalihim na bibigyan ng 5,000 pesos na ayuda ang mga hog raisers sa kada baboy.

Mayroon ding 30,000 pesos na pautang na pwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments