Manila, Philippines – Pormal nang inihain ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang tatlong kaso ng smuggling.
Kasama sa mga inireklamo ang presidente ng ASD Total Package Enterprises na si Ariel Sagun de Mesa at broker nitong si Michael Sumile na nagpasok ng 1.2 million pesos na haLaga ng sibuyas sa Manila International Container Port noong Agosto at Setyembre.
Kinasuhan na rin sina Gregoria dela Cruz, June Navarro at Hilario Vicencio na illegal na nagpasok ng 1 milyon pisong halaga ng mga bala at piyesa ng mga baril.
Ini-ugnay pa ito sa sinasabing planong destabilisasyon laban sa gobyerno.
Pangatlo naman na inihain laban sa D3S Trading ni Del Salumbre at broker nitong si Ma Theresa Santos na nagpasok ng 1.5 milyong pisong halaga ng kemikal, cellphones, piyesa ng motorsiklo, computers at isang forklift.
Damay rin sa reklamo ang Customs examiner na si Fe Serna, OCOM Rep Manuel Yapan Jr, ODC Rep Gerardo Porbile at appraiser Danilo Rigor.