SINIRA | Milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto, winasak ng Customs

Manila, Philippines – Aabot sa 25 million pesos ang halaga ng mga pekeng produkto na winasak ng Bureau of Customs na una nang nakuha mula sa raid sa mga warehouse sa Kanlaon St. cor. N.S. Amoranto St., at Malaya St., sa Quezon City.

Base sa ulat mula sa Customs Enforcement and Security Services, ilan sa mga pinekeng brand na sinira ay ang Marlboro, Fortune, Mighty at Winston brand, Silka products, Knorr cubes at iba pang pampalasa ng pagkain.

Ang mga produktong ito ay sinira sa bisa ng Section 1146 ng Customs Modernization and Tariff Act, kung saan pinahihintulutan ang pagwasak ng mga pekeng produkto.


Facebook Comments