Smuggling ng “palm oil,” mabigat na ang epekto sa mga lokal na pamahalaan

Tinukoy sa pagdinig sa Kamara na lubos nang nakaaapekto sa mga lokal na pamahalaan ang smuggling o pagpupuslit ng “palm oil” sa ating bansa.

Sa ginanap na pagdinig ngayong araw sa House Committee on Ways and Means ay muling tinalakay ang nasiwalat na P300 billion na halaga ng naipasok na palm oil sa Pilipinas mula 2016 hanggang 2021.

Iginiit muli ng panel na katumbas ng napakalaking halaga ang malaki ring epekto sa “revenue losses” lalo’t hindi nababayaran ng tama ang Value Added Tax (VAT).


Bukod umano sa nakakalusot na nga sa pagbabayad ng VAT ang mga ipinupuslit na palm oil sa bansa ay pinakasapul naman sa epekto rito ang mga magsasaka at coconut producers.

Sa committee hearing noong nakalipas na linggo, lumabas na ang P300 billion na halaga ng puslit na palm oil ay mula sa Malaysia at deklarado ito bilang “animal feeds” para hindi masingil ng VAT.

Facebook Comments