Voters registration, posibleng i-extend ng COMELEC

Maaaring palawigin ng Commissison on Elections (COMELEC) ang voter’s registration.

Pero ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, maaari lamang ma-extend ang voters registration kapag hindi natuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 2020.

Matatandaang, binuksan ng poll body ang pagpaparehistro sa mga botante noong unang araw ng Agosto na nakatakda namang matapos sa Setyembre 30.


Facebook Comments