Manila, Philippines – Naipatupad na dati pa ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglagay ng mga sundalo sa Bureau of Customs (BOC) para labanan ang smuggling.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana aniya may dating itinatag na task force Aduana na binubuo ng military officers sa pangunguna ni retired General Jose Calimlim, para tumulong sa Customs Intelligence.
Ang Task Force Aduana ay isang anti-smuggling Task Force na itinatag noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Dagdag pa ni Lorenzana ginawa na rin ang pag-tatalaga ng mga bagong graduates ng Philippine Military Academy o PMA sa Bureau of Customs (BOC) para bantayan ang mga smuggling activities.
Sa ngayon aniya, bubuo siya ng system kung paano nila ipapatupad ang kaustusan ng Pangulo.
Wala naman aniya silang nakikitang problema sa manpower, dahil hindi naman lahat ng aktibidad sa Bureau of Customs (BOC) ang i-te-take over ng militar at pansamantala lang naman aniya ang deployment ng mga sundalo sa ahensya.