Lalaki, patay sa pamamaril sa lungsod ng Maynila

41

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapospagbabarilin sa Vitas, Tondo Maynila.
  Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 33-anyos nabiktimang si Jefferson Villamor, isang jeepney barker at residente ngnasabing lugar.   Sinasabing nakatayo lang ang biktima at may kausap nangbiglang lumapit ang dalawang armadong lalaki at saka pinagbabaril ang biktima.
  Agad na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin sakayng motorsiklo.
  Sinubukan pang isugod si Villamor sa Tondo Medical Centerngunit idineklara itong dead on arrival.
  Inaalam pa ng pulisya kung ano may kinalaman sa iligal nadroga ang naturang krimen.
   

Facebook Comments