Soberanya ng bansa sa WPS, naitaguyod ng Duterte admin – Lorenzana

Malaking legasiya para sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataguyod ng soberanya ng bansa sa West Philippines Sea (WPS) na walang ipinuputok na anumang kanyon.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, chairperson ng Security, Justice and Peace Cluster (SJPC) ng Duterte Administration, napatunaya ni Pangulong Duterte na kayang ipagtanggol karapatan ng bansa na hindi nauuwi sa giyera at mapanatili ang kapayapaan sa karagatan.

Itinaas din ang pagpapatrolya sa WPS at iba pang bahagi ng bansa para ipagtanggol ang territorial waters.


Noong 2020, aabot sa 186 air patrols at 575 maritime partrols ang naisagawa bilang bahagi ng pinaigting na deterence operations laban sa lahat ng uri ng banta.

Binanggit din ni Lorenzana ang iba’t ibang infrastructure developments sa Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan, at Mavulis Island sa Itbayat, Batanes.

Facebook Comments