Manila, Philippines – Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na igigiit ng Pilipinas sa ginaganap ngayong Association of Southeas Asian National o ASEAN Summit ang ating soberenya sa mga pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Drilon, dapat samantalahin ng Pilipinas ang pagkakataong hatid ng ASEAN Summit para igiit ang ruling ng arbitral court pabor sa atin.
“We must take this opportunity to reassert our sovereignty over the disputed island. We have a decision in our favor. We must continue to avail of every opportunity to assert that ruling by the arbitral court.” – Drilon
Ngayong ang unang araw ng ASEAN summit hanggang sa Sabado.
Unang aktibidad nito kaninang umaga ang pulong ng committee of permanent representatives to ASEAN na ginanap sa Philippine International Convention Center o PICC.
Ngayong gabi naman ay magkakaroon ng welcome dinner ang Senior Officials Meeting o SOM leaders at mga delegado sa City of Dreams.